Hindi bitter ang tunay na leader

Hindi kayang burahin ng kahit anong political maneuver sa Senado ang isang public official na patuloy na ginagawa ng trabaho para sa publiko.

Ngayong muling nagbago ang liderato sa Senado at napalitan ang pamunuan ni Alan Peter Cayetano, mas lumalalim ang usapin tungkol sa direksyon ng institusyon.

Sa gitna ng pagbabago at pag take-over ng mga puppet ng palasyo, mahalagang manatiling nakatutok ang mga senador sa kanilang pangunahing tungkulin para sa taumbayan.

At sa sobrang gulo ng panibagong Senate shakeup, kahanga-hanga ang ipinakitang aksyon ni Cayetano dahil sa kabila ng matitinding batikos sa kanyang pamumuno, kapansin-pansin ang kanyang disiplina matapos mag step-down.

Idiniin niya sa kanyang statement na hindi natatapos ang kanyang trabaho dahil lamang siya ay bumaba sa pwesto. Iyan ang ugali ng totoong public servant.

Kahit anong issue na ibinato noong siya ay nasa panunungkulan, hindi nagpadala sa ingay si Cayetano at mas pinili niyang ipagpatuloy ang mga gawaing nakapaloob sa tungkulin ng lehislatura.

Sa kanyang statement, binigyang diin niya na kahit man pansamantala ang kanyang posisyon bilang Senate President, mananatili pa rin ang obligasyon niya sa publiko.

Ayon kay Cayetano patuloy niya pa ring tututukan ang imbestigasyon sa mga isyung may kinalaman sa flood control projects at umano’y malawak na korapsyon.

Sa loob ng mahigit isang buwan na iyon, ni minsan hindi inikot ni Cayetano ang atensyon sa sarili niyang posisyon.

Sa halip, ipinagpatuloy niya ang kanyang trabaho para institusyon at ipinaglaban ang independence ng Senado kahit pa ang kanyang mga kapwa senador ay itinakwil siya, at kahit pa ang mismong presidente ay hindi siya kinilala.

You really can’t bring a good man down at hindi bitter ang tunay na leader.

Hindi man siya nag tagal bilang Senate President, panigurado na mas marami pa ang magagawa at matutulungan ni Cayetano kaysa sa mga puppet na nagpakontrol sa Palasyo.

Related articles

Bam Aquino supports Cayetano’s years-long push v. child stunting

Senator Bam Aquino on Wednesday supported Senator Alan Peter...

Cayetano yields the gavel — but not the fight for truth

Senate President Alan Peter Cayetano on Wednesday said he...

Sen. Alan Cayetano Calls for Action on Flood Control, Cost of Living, and Mindanao Recovery

Senate President Alan Peter Cayetano expresses his cooperation regarding...