Stranded din ba ang plano para sa mga OFW?*

 

Aabot sa mahigit 40,000 ang bilang ng OFWs na hindi makaalis ng Pilipinas matapos ipatupad ang deployment ban sa ilang bahagi ng Middle East. Marami sa kanila ay may hawak nang kontrata at iilang hakbang na lang ang pagitan bago makalipad. Pero dahil sa sitwasyon sa ibang bansa, napigil ang lahat at napilitan silang manatili, kasama ang mga gastusin na tuloy pa rin kahit walang pumapasok na kita.

Ganito ang nangyayari sa maraming Pilipino na umaasa sa trabaho abroad. Kapag may gulo sa labas, agad silang naaapektuhan kahit wala pa sila roon. Yung iba, nakautang na para makaalis. Yung iba, nag-resign na sa dating trabaho. Kaya kapag naantala, parang naputol din ang plano ng buong pamilya. Hindi lang ito usapin ng pag-alis kundi kung paano muling bubuo ng panibagong diskarte habang naka-hold ang lahat.

Matagal na ring binabanggit sa mga pagdinig sa Senado ang ganitong sitwasyon. Isa na rito si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na paulit-ulit nagsasabi na habang kulang ang disenteng trabaho sa loob ng bansa, mananatiling ganito ang takbo ng buhay ng maraming Pilipino. Sa panukalang bubuo ng Labor Commission o LabCom, nais pag-isahin ang gobyerno, pribadong sektor, at mga manggagawa para tutukan ang sahod, kalidad ng trabaho, at kung bakit napipilitan pa ring umalis ang marami para lang kumita nang sapat.

Hindi naman ito bago. Paulit-ulit na itong nangyayari kada may krisis sa labas. Iba-iba ang dahilan, pero pareho ang epekto: Pilipino ang naiipit, pamilya ang naghihintay, at gobyerno ang hinahanap kung ano ang susunod na hakbang.

Kung may sapat na oportunidad dito sa loob ng bansa, hindi ganito kalaki ang bilang ng mga Pilipinong nakaabang sa pag-alis. Hindi rin ganito kalalim ang tama sa bawat aberya sa ibang bansa. Pero hangga’t hindi naaayos ang pundasyon ng trabaho at kita dito, mananatiling ganito.

Sa ngayon, habang naka-hold ang biyahe ng libo-libong OFW, tiyak marami sa mga ito ang nagiisip na kung paano at saan muling magsisimula. ###

Related articles

Cayetano’s Pasko ng Pagkabuhay encouragement amid oil crisis: There is always hope

  ‘Pasko ng Pagkabuhay’ speaks of a fuller expression of...

P20 per kilo rice in Dagupan Kadiwa center soon

by Leonardo Micua   Residents of Dagupan City, especially low-income families...

Pangasinan logs the lowest stunting rate in the Philippines

by Ahikam Pasion   The province of Pangasinan has recorded the...

Manaoag prepares for 100th Canonical Coronation of Our Lady of Manaoag

by Ahikam Pasion   The local government of Manaoag is intensifying preparations for...

Binmaley vows to remove illegal fishpens to improve river flows

by Ahikam Pasion   The local government of Binmaley has begun the removal...