Moral na responsibilidad ang paghahanda sa krisis

Ceasefire muna sa bangayan at pulitika ang Senado. Nagkaisa ang 23 senador sa isang resolusyon na nananawagan sa gobyerno na magtatag ng National Contingency Framework para maging handa ang Pilipinas sa anumang kinakaharap na krisis.

Magandang panawagan ito sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 343 na inakda ni Minority Leader Alan Peter Cayetano. Gusto ng resolusyon na kalampagin ang mga ahensya ng gobyerno na umaksyon at hindi mag kanya-kanya pagdating sa crisis response.

Ngayong apektado ang halos buong mundo sa patuloy na giyera sa Middle East, dapat lang na gawing prayoridad ng gobyerno ang framework na ito para walang patid pa rin ang serbisyong publiko. Kailangang tulungan ng gobyerno ang libu-libo nating naipit na Overseas Filipino Workers at mga turista sa rehiyon, pati ang pagtugon sa domestic issues na biglang sirit ng presyo ng langis at inaasahang pagtaas din ng inflation.

Mahalagang maging pro-active dito dahil sa huli, isang moral na responsibilidad ang pagkalinga sa mga pamilya, manggagawa, at mga komunidad. Lalo na sa mga pinaka-vulnerable at mahihirap nating kababayan na araw-araw kumakayod upang kumita. Kung hindi handa at kikilos ang awtoridad, sino na lang ang tutulong sa mga jeepney at tricycle drivers, mga tindera sa lansangan, at mga maliliit na negosyo?

‘Ika nga, ‘leadership matters’. Makikita din kung sino ang totoong lider sa oras ng krisis — kung sino ang totoong responsable at magaling mag-alaga sa kanilang posisyon at paggamit ng impluwensiya. Gaya ng pag-akda ni Cayetano ng resolusyon, nakita nating kayang magkaisa ang kampo ng Mayorya at Minorya para itigil muna ang pulitika at magtulungan para sa kapakanan ng bansa.

Related articles

MacBooks for public school teachers: A need or a luxury?

Eyebrows went up when the Department of Education announced it was buying more than 170,000 MacBooks for public school teachers and staff for about...

Sacred Plenary, Selective Accountability?

A netizen has called out what they see as hypocrisy and selectiveness in Senate President Sherwin Gatchalian’s warning against taking “wacky shots” inside the...

Tiwala tayo sa dunong ng Senado

Malaking kwestyon ngayon sa taumbayan kung tama ba o isang malaking pagkakamali ang biglaang pagpalit ng liderato ng Senado sa gitna ng isa sa...