Hinamon ni Senate President Alan Peter Cayetano nitong Martes ang mga senador na ipaglaban ang bansa sa pamamagitan ng pagtindig para sa katotohanan sa halip na unahin ang mga pansariling interes.
“I challenge all senators, both from the Minority and Majority, what’s more important to us? Position? Huwag mabanggit ang pangalan natin? Huwag tayong makasuhan? Na malapit tayo sa admin? Sa 2028 may ambition? If you say you love the country, then why not fight for it?” pahayag ni Cayetano sa isang Facebook livestream nitong June 2, 2026.
Giit ng Senate President, dapat manatiling nakatutok ang Senado sa pagbubunyag ng katotohanan imbes na magpagamit para pagtakpan ito.
“Kailangan pong tingnan ang nangyayari sa Senado sa mas malaking konteksto ng katotohanan. Gusto ba natin na ang Senado ay gamitin para ilabas ang totoo, o ito ay [maging] kasangakapan para itago ang totoo? Is the Senate for truth or not?” sabi ng senador.
Ipinahayag ito ni Cayetano kasunod ng mga sunud-sunod na pangyayari sa Senado na nagpakita ng matinding pagkakahati-hati dahil sa pulitika at pangingialam sa kalayaan ng Senado.
Pagbubunyag ng Senate President, nagsimula ito sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa flood control scam, na sinundan ng palitan ng liderato ng Senado noong May 11, at paggulong ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Hinimok niya ang mga kapwa senador na huwag unahin ang pulitika, at sa halip ay mas pagtuunan ng pansin ang pagsugpo sa katiwalian at pagbubunyag sa buong katotohanan.
“Ano ba ang truth sa lahat ng ito? Ang korapsyon sa ating bansa ay hindi mabibigyan ng lunas kung walang pagbabago at kung hindi tayo magsisimula sa katotohanan,” pahayag ni Cayetano.
Binigyang diin niya ang kahalagahang maipagpatuloy ang imbestigasyon sa flood control scam, at iginiit na dapat pahintulutan ang Senado na gawin ang mga tungkulin nito nang walang panghihimasok.
“What’s important for me is that we don’t have a puppet or dependent Senate. And that on Thursday (June 4), matuloy ang Blue Ribbon hearing at tumuloy-tuloy ang [trabaho ng] ibang committee,” giit niya.
Muli niyang sinabing handa siya sa anumang pagbabago sa Senado basta’t ang layunin ay ipaglaban ang katotohanan.
“Sabi ko naman sa inyo, pumili tayo ng 13. I’m ready to go (as SP) anytime, anyday. Ang pakiusap ko lang, let the 13 fight for the truth so that the truth can finally set all Filipinos free,” aniya.

