Cayetano: Sa gitna ng krisis at kalituhan, dapat magkaisa ang mamamayan

Sa panahon ng malawakang krisis at kalituhan, hindi dapat magkawatak-watak ang mga Pilipino kundi lalo pang magkalapit sa isa’t isa, na may iisang pag-unawa at layunin.

Ito ang pangunahing mensahe ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa isang video interview kay King of Talk Boy Abunda na inilabas sa Facebook.

“When there’s national issues, especially when there are tragedies, catastrophes, calamities, and in one sense you’re taught righteous anger, and to love and not to hate — the confusion is there,” wika ng senador.

“But no matter how bad the times get, may answer at solution iyan. We should use the confusion to bring people together,” dagdag niya.

Ayon kay Cayetano, normal lang na malito ang tao kapag sunod-sunod ang krisis, pero pwede itong gawing pagkakataon para itulak ang pagbabago at ayusin ang matagal nang mga problema sa sistema.

“Whether or not there’s a crisis and confusion, people should always demand (for the better)… the Chinese character for ‘crisis’ is also the character for ‘opportunity’,” aniya.

Binigyang diin din niya ang mga hamon na kinakaharap ng kabataan ngayon, tulad ng mga isyung politikal, katiwalian, pandemya, at mga gera sa maraming parte ng mundo.

Dagdag pa niya, kumpara sa mga nakaraang henerasyon, mas mabilis ang pagbabago ng teknolohiya ngayon, kaya mas nadadagdagan ang pressure at kawalan ng katiyakan sa kabataan.

Sa kabila nito, sinabi ni Cayetano na ang mga krisis ay makakatulong sa paghubog ng mas matitibay na lider at dapat magsilbing daan para sa pagkakaisa at pagninilay.

“Crises should bring people together. We need major reforms… Magkaisa na dapat na hindi maulit lang (ang mga problema),” wika ng senador.

Related articles