Tuloy ang krisis; nasaan na ang plano?

 

Matapos ang bigong negosasyon sa pagitan ng US at Iran, mukhang patuloy at matagal pang mararamdaman ang mga epekto ng sigalot ngayong hindi nagkasundo ang mga ito sa isang peace deal. Sa madaling salita, posibleng mas tumaas pa ang presyo ng oil products sa kabila ng mga naunang balita ng rollback.

Ready na ba ang lahat? Ang mga Pilipino, ready nang tanggapin ang mahirap na realidad ng pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin dahil wala namang choice. Ang gobyerno? Never naging ready sa mga krisis na gaya nito at patuloy pa rin ang mga malabong paliwanag na naaagapan naman sana kung may plano na bago pa man magsimula ang anumang krisis.

Hanggang ngayon hindi pa rin ramdam ang binuo ng Executive na crisis committee na, by the way, mukhang na-pressure lang gawin dahil sa mga panawagan ng Senado, lalo na ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na parang sirang plaka na nagsasabi na kailangan ng isang unified at proactive na sistema sa pagharap sa ganitong mga hamon. Aniya, hindi lang dapat umaasa sa pansamantalang ayuda o band-aid solutions.

Kung seryoso ang pamahalaan sa pagbuo nito, dapat nakikita na natin ang resulta. Anyare?

Hindi sapat ang paulit-ulit na assurance na “mino-monitor” ang galaw ng presyo. Kapag tumataas ang presyo ng langis, domino effect ito sa lahat — pamasahe, pagkain, kuryente, at pati ang maliliit na negosyo na umaasa sa transport at supply chain.

Sa ngayon, ang tanong hindi lang kung gaano kataas ang itataas ng presyo, kundi kung gaano katagal mananatiling walang direksyon ang tugon ng pamahalaan. ####

Related articles

UNLISERBISYO

UNLISERBISYO April 5   NEW SCHOOL RISES, LEARNING GETS A BOOST Education...

Cayetano urges shift from reactive culture to ‘preparation mindset’

Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano on Wednesday urged...

RANDOM THOUGHTS

BY LEONARDO V. MICUA            ...

Cause for sainthood of Lingayen’s first bishop officially opens

by Eva Visperas   THE sainthood cause for Cesar Maria Guerrero—the...