Noong bagyong Yolanda at iba pang kalamidad, napansin natin kung gaano kahirap tumugon kung hindi magko-connect ang mga ahensya ng gobyerno.
Maraming naantalang relief operations, nagkaroon ng duplications, at hindi naabot ang ilan sa pinaka-nangangailangan. Ngayon, sa harap ng international tension sa Middle East, parehong prinsipyo ang kailangan: coordination, consensus, at mabilis na aksyon.
Dahil dito, inihain ng Senado ang isang resolusyon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, na sinuportahan ng lahat ng mambabatas, na naglalayong magtatag ng National Contingency Framework.
Layunin nito na matiyak na handa ang bansa sa malalaking krisis sa pamamagitan ng whole-of-government at whole-of-nation approach. Kasama rito ang pakikipagtulungan ng national government,local government at private sectors.
Look at this, kapag aligned ang mga polisiya at programa ng lahat ng ahensya at stakeholder, mas mabilis at epektibo ang pagtugon sa krisis.
Halimbawa, kung may pagkaantala sa supply ng langis o pagkain dahil sa tensiyon sa ibang bansa, makakagawa ng mas maayos at mabilis na solusyon ang gobyerno kung malinaw ang ugnayan nito sa lokal na pamahalaan at pribadong sektor.
Ang resolusyon ay hindi lang para maiwasan ang pinsala. Ayon nga kay Sen. Alan, bawat krisis ay may “winners at losers” depende sa kung paano ito haharapin.
Segue lang no, napakahalaga din ng statesmanship sa pulitika. Sa panahon na grbae ang political divide, napagkasundo ng resolusyon na ito ang lahat ng mga mambabatas. Kudos naman sa minority leader.
Ipinapakita nito na sa harap ng malalaking krisis, pwedeng magsama-sama ang iba’t ibang partido at sektor para sa kapakanan ng bansa, lampas sa personal o partisan na interes.
Sa paghain ng resolusyon na ito hindi lamang tayo nakakaiwas sa pinsala, nahahanda rin ang bansa para sa mga oportunidad na pwedeng lumabas sa bawat krisis.
Let’s just hope for the best.###
