Sabi nila maghanda, pero yung isa naghintay muna

Noong March 24, idineklara ni President Ferdinand Marcos Jr. ang isang state of national energy emergency sa ilalim ng Executive Order No. 110. Layunin nitong mapabilis ang galaw ng gobyerno para siguraduhin ang sapat na supply ng fuel at maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis sa buong bansa.

Pero bago pa umabot sa puntong ito, may mga nauna nang nagtulak na maghanda ang gobyerno.

Sa Senado, ilang buwan na ring binabanggit ang pangangailangan ng isang national plan at framework para matugunan ang krisis na kinahaharap natin dahil sa gulo sa Middle East.

Isa sa mga naging malinaw ang posisyon ay si Minority Leader Alan Peter Cayetano, na nanawagan na hindi dapat hintayin na lumala ang sitwasyon bago kumilos.

Noon pa man sinasabi na niya na kapag alam na ng bansa na may banta sa global oil supply dahil sa tensyon sa Middle East, dapat may nakahanda nang konkretong plano ang Pilipinas.

May mga pagdinig at panukala rin sa Senado na naglalayong buuin ang isang mas organisadong crisis response framework, kabilang ang pagbuo ng komite na tututok sa agarang aksyon sa oras na magkaroon ng supply disruption.

Sa madaling salita, may babala na. May direksyon na ring inilalatag.

Ngunit tulad ng madalas mangyari, ang aksyon ay dumating lamang nang mas ramdam na ang epekto at ayun na nga ang pagtaas na presyo ng gasolina, dagdag singil sa kuryente, at soon, but hopefully not, e y’ung presyo ng pagkain at pamasahe.

Tama naman na may deklarasyon na ng energy emergency, Kailangan ito. Pero kasabay nito, Sa usapin ng krisis, hindi sapat ang pagkilala sa problema kapag nandiyan na ito.

Kailangan may mga leader tayo na may foresight. Alam na nila ano pwedeng mangyari dahil para sa kanila mas mahalaga kung paano ito napaghandaan ang mga krisis.

Dahil isipin mo, sa bawat araw na naantala ang aksyon, may kapalit itong dagdag gastos sa bawat Pilipino.

At sa ganitong sitwasyon, ang foresight ng isang namumuno ay kasing halaga ng mismong solusyon.

Related articles

Early warning, familiar delay

President Bongbong Marcos Jr. is now forming a crisis...

NEWSY NEWS

BY EVA C. VISPERAS More than a visit, it was...

Maples River in Aguilar opens to families, and tourists

The local government of Aguilar, Pangasinan has officially opened...

142 dogs vaccinated in Mangaldan anti-rabies drive

by Ahikam Pasion   A total of 142 dogs were vaccinated...

Dagupan SP mourns passing of Atty. Fernandez

by Leonardo Micua The Dagupan Sangguniang Panlungsod passed a resolution...