Hanapin niyo ang opportunity sa problema

Habang tumitindi ang tensyon sa Middle East, maraming bansa ang nagbabantay sa posibilidad ng mas malawak na sigalot. Karaniwan, kapag ganito ang sitwasyon, ang unang iniisip ay digmaan o military conflict.

Pero paano sa mahihirap na bansa? Wag na tayo lumayo – paano na sa Pilipinas? Ang pangamba sa nangyayari ay hindi lang sa military kundi sapul pati ekonomiya at pamumuhay natin araw-araw.

Kapag nagkakaroon ng tensyon sa Middle East, isa sa unang naaapektuhan ay ang supply ng langis. Mahalaga ang rehiyong ito sa pandaigdigang suplay ng enerhiya.

Umaangkat tayo ng malaking bahagi ng langis dito at dahil sa paghinto ng pagdadala ng Langis, mabilis na nararamdaman sa bansa ang spike sa presyo ng gasolina at diesel. Domino effect ‘yan, kapag tumaas ang presyo ng fuel, tataas din ang pamasahe, gastos sa transportasyon, at presyo ng pagkain.

Ang mga tensyon sa ibang bahagi ng mundo ay maaari ring makaapekto sa shipping routes at global supply chains. Kapag nagulo ang daloy ng kalakalan, naaantala ang pagdating ng mga imported na produkto tulad ng pagkain, fertilizer, at industrial materials.

Kapag nangyari ito, tumataas ang presyo at naapektuhan ang ekonomiya. Hindi ba parang similar ito sa pattern nung COVID-19 pandemic?

Noong COVID-19 pandemic, napakalaki ng naging epekto nito sa ekonomiya. Sabi nga ng iba iyon na ang pinakamalaking pag-urong sa loob ng maraming dekada.
Ipinakita ng karanasang ito na ang krisis ay maaaring manggaling sa ibang anyo.

Kailangan na lumawak ang pananaw ng bansa tungkol sa national security. Hindi na sapat na nakatuon lamang ito sa military defense. Kailangan ding tiyakin na matatag ang ekonomiya, matibay ang mga institusyon, at handa ang lipunan sa malalaking krisis.

Halimbawa, kailangang matiyak na tuloy ang supply ng pagkain kahit may global disruptions. Dapat manatiling gumagana ang mga ospital sa panahon ng emergency.

Sa madaling salita, ang tunay na seguridad ng bansa ay nakasalalay din sa economic at social resilience.

Sa Senado, ilang lider ang nagbigay diin sa kahalagahan ng paghahanda sa ganitong mga krisis. Kabilang na si Alan Cayetano na nanawagan na magkaroon ng mas malinaw na national contingency framework upang mas maging handa ang pamahalaan at pribadong sektor sa malalaking disruptions.

Isipin ninyo, ang susunod na krisis na haharapin ng bansa ay maaaring hindi digmaan. Maaari itong manggaling sa pandemya, cyber attack, problema sa supply ng pagkain at enerhiya, o iba pang biglaang pagkagambala sa ekonomiya.

Kapag nangyari iyon, ang tunay na lakas ng Pilipinas ay makikita sa tibay ng ekonomiya, mga institusyon, at kakayahan ng lipunan na makabangon mula sa krisis. Opportunity ito para sa ating gobyerno na magbago na ng sistema!###

Related articles

AMID MIDDLE EAST TENSIONS

by Eva Visperas Pangasinan intensifies fuel price monitoring The provincial government...

Pangasinan karate jins shine in National Karate Championships

A mix of  budding and seasoned karate jins of Filipinas Wado...

Pangasinan jeepney group studying double coding scheme amid rising fuel costs

by Ahikam Pasion   A transport group in Pangasinan is studying...

ENTRE’ACTE

  By REX C. CATUBIG            ...

POLICE REPORTS

₱150K Solar Plant Cables Stolen in Aguilar Police are investigating...
Previous article
Next article