Cayetano: Malaki ang ambag ng simbahan sa pagbabago ng bansa

Para kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, ang simbahan ang may
pinakamalaking impluwensiya sa pagtatag ng moral standard at paglunsad ng
pagbabago sa bansa.

“The greatest influence is community… Naghahanap po tayo ng pagbabago… We
want the culture of heaven. Ang problema, ang culture is also dictated by the
community,” wika ni Cayetano sa ‘40 Days of Prayer and Fasting’ event sa Taguig
Lakeshore nitong January 11, 2026.

Sinabi ng senador na bahagi ng national transformation ang pagbabago sa kultura
ng mga komunidad dahil parating naglalaban ang kulturang espiritwal (katapatan at
integridad) at makamundo (korapsyon at panlilinlang). Aniya, dapat walang
kompromiso sa mga kulturang ito.

Binanggit ni Cayetano ang isang Pulse Asia survey para ipakita na malinaw sa mga
Pilipino na mali ang korapsyon sa mga proyektong tulad ng flood control, pero
maaaring hindi nila tinitingnan na mali rin ang pag-iwas sa pagbabayad ng buwis.
“Merong Pulse Asia survey noong December. Basically, ang sinasabi niya, y’ung
katulad ng mga flood control, klaro sa Pilipino na corruption iyon. Pero let's say
pandaraya sa taxes, not necessarily,” paliwanag niya.

“Again, (there’s value in) community and community standards. Iba kasi y’ung
malinaw, malinaw na good and bad. Iba y’ung strategy ng demonyo na gagawing
relative,” sabi niya pa.

Hinimok ni Cayetano ang mga Pilipino na tingnan ang mga isyu mula sa aspetong
espiritwal. Nanawagan din siya sa simbahan na tulungan ang bansa na harapin ang
mga problema at mga masamang nakasanayan sa kultura, tulad ng korapsyon at
pagsusugal.

Aniya, dapat palitan ang mga mapanirang sistema ng mga sistemang makatuwiran
at tama.

Hinikayat din niya ang mga komunidad ng simbahan na gawin ang kanilang papel sa
muling pagbangon ng bansa.

Aniya, dapat magsilbing hakbang ang 40 araw na pag-aayuno para sa tunay na
pagbabago upang matiyak na ang mga susunod na henerasyon ay magmamana ng
isang bansang nakaayon sa layunin ng Diyos.

“Our prayer is not just for the church, not just for your family,

Related articles

Pangasinan SP seeks probe into rising drowning incidents

 By Eva Visperas THE Sangguniang Panlalawigan of Pangasinan has approved...

Barangay urges mayor to deny LPG permit in Dagupan

By Leonardo Micua DAGUPAN CITY — Mayor Belen Fernandez has...

ACEN activates 60-MW solar plant in Pangasinan

By Ahikam Pasion SAN MANUEL—ACEN Corp., the energy arm of...

Cayetano: Church communities hold  greatest influence to transform nation

By Leonardo Micua Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano on...

EDİTORİAL

A jail by the shoreline: An environmental and public...