Big losers tuwing krisis

Nitong mga nagdaang araw, sinampal na naman tayo ng realidad na hindi tayo handa pagdating sa mga malawakang krisis na posibleng pagdaanan ng bansa. Sa konteksto ng US-Iran war na malaki ang epekto sa supply ng langis, hindi ito pwedeng isisi sa mamamayan ngunit sa pamahalaan na dapat ay responsable sa mga contingency plan.

Hindi na mabilang kung ilang sakuna tulad ng mga bagyo ang ating hinarap. At hindi na rin mabilang kung ilang beses nang nanawagan ang mga Pilipino na bigyan ng pansin ang mga pagbaha dahil sa mga paulit-ulit na epekto nito. Lalong ilang beses na rin bang ipinakita ng pamahalaan na nananatili itong reactive sa ganitong sitwasyon?

Sa mga ganitong usapin, mapapansin na kakarampot lang ang totoong nagtutulak na comprehensive strategies. Mayroon nang mga panukalang batas para sa dedicated department para sa emergency response, ngunit hindi binibigyan ng pansin as urgent. Hindi ba’t dapat common sense na ito? Ngayon naman, sa pagtaas ng presyo ng langis, pinangunahan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang resolusyon upang hikayatin ang pamahalaan na magkaroon ng National Contingency Framework ang bansa pagdating sa mga krisis. Kung maging ito hindi pansinin as urgent, good luck na lang talaga sa atin. Mananatili tayo sa sistemang paikot-ikot, paulit-ulit, krisis matapos ang krisis.

Wika nga ni Cayetano: sa mga krisis, mayroong big winners at big losers. Ang mga talunan? Ang mga ordinaryong Pilipino na walang laban sa pagtaas ng bilihin at nagiging “reactive” lang din sa mga desisyong pinipili ng pamahalaan. ###

Related articles

Pangasinan Asinderos gears up for NBL Reinforced Confrence

A newcomer in the National Basketball League (NBL) -...

Transmission rates down in May 2026 electric bills

Power transmission service provider NGCP announced a slight reduction...

Dagupan to provide monthly subsidy for children with disabilities 

Children with disabilities from low-income families in Dagupan City...

DSWD warns vs ‘illegal’ shelters, solicitations

The Department of Social Welfare and Development Field Office...

COMELEC RD: BSKE to proceed this year

The Commission on Elections (COMELEC) has assured the public...